Dati’y palaisdaan na naging bukirin, Ngayo’y isang malawak na lupain, Pangalay hinango sa inang butihin,Doña Francisca Rey Hipolito Pascual,Ina ni Don Miguel Cuaderno ng bangko Sentral, Hulyo 6, ganap na baranggay at 1984 ang taon po naman Kung sukat po naman ang pag-uusapan, Limampu’t apat na ektarya itong kabuuan, Kung lokasyon naman ang pagtutuunan, Poblacion sa timog ay matatagpuan, At Malabia naman sa dakong kanluran, Puerto Rivas po ang sa gawing silangan, Sa hilaga naman ay Barangay Ibayo at Sibakan Doña Francisca ay sadyang mapang-akit, Sa lahat ng bagay ay napakalapit, Ang Joyous na resort na sadyang kayrikit, Pampalipas oras sa pusong may sakit, Ang mahal sa buhay kapag namayapa, Eternal Memorial Shrine laging nakahanda, Kumalinga’t humaplos sa katawang lupa Sa pusod ng Doña ay matatagpuan, Liwasang kayganda at pook pasyalan, Ng mga bata at maging matanda man, Sa tabi nito ay isang kapilya, Tanda ng kanilang pananampalataya, Ang sariwang hangin laging madarama, Sa barangay na itong kahali-halina Sa buong lalawigan ito ay number one, Halos mayayaman ang naninirahan, Sa negosyo naman ay hindi paiiwan, Nariyan ang bangko, kaina’t hospital, Telecommunication at maging hardware man, Dito rin ay may pribadong paaralan, Edukasyong de-kalidad ang layunin kaylan man. |