Natatanging Ama

           Natatanging Ama 2009

        Si ginoong Emilio Oceña Serrato ang tinanghal na Natatanging Ama ng Barangay Doña Francisca. Sa kasalukuyang edad na anim na put syam (69) si G. Serrato ay hindi na namamasukan at sila ay magkasamang nabubuhay ng kanyang mahal na kabyak sa puso na si Ana Mati-Ong Serrato, anim na put limang (65) taong gulang. Sila ay may limang supling na pawang napagtapos nila sa pag-aaral sa kabila ng kanilang kahirapan. Si G. Serato ay isang matadero at sila ay may maliit na sari-sari store. Dahil sa kanilang sipag, tiyaga at pananalig sa panginoon sila ngayon ay may dalawang (2) guro, isang (1) inhenyero, isang (1) welder at isang (1) BSC Major in Management graduate. Para kay G. Serrato, isang malaking biyaya sa kanila ang napagtapos nila ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Natupad sa kanila ang kasabihang “Nasa pagsisikap at pagpupunyagi ang pagkamit ng tagumpay.”





Comments